NI: PNA

BINIGYAN ng suporta ni sportsman and philantrophist Alvin Tan Lian ang delegasyon ng bansa na sasabak sa 29th edition ng Summer Universiade sa Agosto 19-30 sa Taipei City, Chinese Taipei.

Sinamahan ni Tan Lian, chairman ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) at head ng Philippine delegation sa Universiade, ang mga atleta sa isinagawang ‘send off’ kamakailan.

“I wish all of you the best of luck in the coming Universiade. Be ambassadors of goodwill as you compete for the glory of the country,” pahayag ni Tan Lian.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Iginiit ni Tan Lian na malaki ang laban ng bansa sa billiards, golf at wushu.

Sasabak din ang estudyanteng Pinoy sa archery, athletics, diving, judo, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis, at weightlifting.

Pinangalanan si businessman Angel Ngu, honorary president ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industries (FFCCCI), bilang flag bearer sa opening ceremony sa August 19.

Ang FESSAP ay tanging miyembro ng International University Sports Federation (FISU), organizer ng Summer Universiade sa Pilipinas.