Ni: Marivic Awitan

SA loob ng dalawang taon, nakapagtala ang koponan ng Pocari Sweat ng tatlong kampeonato para makabuo ng ‘dynasty’ sa volleyball.

Ngunit, sa pagkakataong ito, nasa likuran sila nang nagdiriwang na BaliPure.

Bali Pure celebrates after defeating Pocari Sweat in 4 sets, 25-20, 19-25, 25-23, 26-24 during the Premier Volleyball League Open Conference Finals Game 2 at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 16, 2017. The Water Defenders is held Champion (Rio Leonelle Deluvio)
Bali Pure celebrates after defeating Pocari Sweat in 4 sets, 25-20, 19-25, 25-23, 26-24 during the Premier Volleyball League Open Conference Finals Game 2 at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 16, 2017. The Water Defenders is held Champion (Rio Leonelle Deluvio)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakumpleto ng Water Defenders ang dominasyon sa Pocari Sweats sa natipang 25-20, 19-25, 25-23, 26-24, panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

“Nung nag-umpisa kami, we almost didn’t make it to the semis. Nung nanalo kami sa Pocari, dun lang kami pumasok,” pagbabalik-tanaw ni Purest Water Defenders coach Roger Gorayeb. “Pagpasok ng semis, we lost the first game, again the girls persevered. Pagdating ngayon, iba na yung karakter nila.”

Nagtala si Grethcel Soltones, ang nag -iisang player na natira sa original na Bali Pure noong 2016, ng 21 puntos, tampok ang 17 hits, tatlong aces, at isang block.

Bunga nito, tinanghal na Finals Most Valuable Player, ang 21- anyos na dating standout ng San Sebastian College na naunang umiskor ng 14-puntos sa kanilang straight sets win sa Game 1.

“Masaya siyempre kasi pinaghirapan namin ito as a team. As a team din, marami kaming pinagdaanan,” pahayag ni Soltones, matapos muling makatikim ng kampeonato na huli nyang nalasap noong 2015 sa Reinforced Conference para sa koponan ng PLDT Home Ultera Ultra Fast Hitters.

Sa likod ng nasabing outstanding performance, ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Gorayeb.

“Alam mo naman si Grethcel e, kahit sigawan ko, makikinig at makikinig. Tulad ng third set, hinabol kami, sabi ko, simple lang yan, kung nakita mo, i-drop mo. Yun na nga yung nangyari,” wika ni Gorayeb.

Maliban kay Soltones, tinutukan din ni Gorayeb na mailabas at mabigyan ng karakter ang koponan sa pangunguna ng kanilang core na kinabibilangan nina Aiko Urdas ,middle blocker Risa Sato at setter Jasmine Nabor.