BEIRUT (Reuters) – Ibinasura ng Lebanon nitong Miyerkules ang batas na nag-aabsuwelto sa rapist kapag pinakasalan nito ang kanyang biktima, humilera sa iba pang Arab states na nilusaw ang “marry-your-rapist” laws nitong mga nakaraang linggo.

Nananatili namang legal ang marital rape at child marriage sa Lebanon.

Kabilang sa mga bansang ipinagbawal na ang pagpapakasal ng rapist sa kanyang biktima ang Jordan, Tunisia, Egypt at Morocco.

Gayunman, maaari pa ring makatakas sa parusa ang rapist sa pagpapakasal sa kanyang biktima sa ibang bansa kabilang sa Bahrain, Iraq, Kuwait, Pilipinas at Tajikistan, ayon sa global campaign group na Equality Now.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na