Ni: Fer Taboy

Isang pulis ang dinukot ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Katipunan sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon.

Kinilala ng Makilala Municipal Police ang biktimang si PO1 Bristol Catalan, nakatalaga sa nasabing presinto, at residente ng Makilala.

Batay sa impormasyon mula sa Makilala Police, lulan umano ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Bgy. Katipunan, Kidapawan nang harangin ng mga NPA at sapilitang tinangay.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pursuit operation ng pulisya at militar para mailigtas si Catalan.