Ni: Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
4 n.h. -- CEU vs Flying V
TATANGKAIN ng Centro Escolar University na masungkit ang Finals slot sa pakikipagtuos sa liyamadong Flying V sa ‘sudden-death’ ng kanilang best-of-three semifinals duel ngayon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup.
Naipuwersa ng Scorpions ang ‘do-or-die’ nang gapiin ang Thunder,72-93, sa Game 2 nitong Lunes.
Ngunit, naniniwala si coach Eric Altamirano at ang buong koponan ng Thunder na hindi doon natatapos ang lahat para sa kanila dahil nakaamba ang tsansa nilang umusad sa kampeonato.
“Kailangan magregroup kami and make sure we play better on Thursday. We’re playing a very tough team and you can see that they’re very cohesive so we have to match that,” ayon kay Altamirano.
Nangako rin ang kanilang top gun na si Jeron Teng na babawi sa winner-take-all match na aniya’y susubok sa karakter ng Thunder na naghahangad na makapasok ng Finals.
“It’s more on how we approach the games eh. I think we were too relaxed in the game. For sure, next game dahil do-or-die, syempre iba na yung approach namin,” sambit ni Teng.
Naghihintay sa magwawagi sa duwelo ganap na 4:00 ng hapon ang Cignal HD na maagang nakausad sa Finals.
Sa kabilang dako, matapos wakasan ang pamamayagpag ng Flying V, sinabi ni Scorpions coach Yong Garcia na wala silang babaguhin sa ginawa nila noong Game 2.
“Yung pressure nasa kanila. Kami naman, hindi naman namin ineexpect na makapasok kami dito. Pero nandito na kami.
Wala namang masama kung subukan namin,” aniya.
Sasandalan muli ng CEU sina Rod Ebondo, Christian Uri, at Art Aquino para manguna sa kanilang laro.
“We’re expecting nothing but an all-out war,” ayon kay Garcia.
Iskor:
(Unang Laro)
Cignal HD (87) - Jose 24, Raymundo 18, Villarias 16, Uyloan 15, Bringas 8, Perkins 4, Cahilig 2, Apinan 0, Arboleda 0, Belencion 0, Sara 0, Sumalinog 0.
Marinerong Pilipino (64) - Herndon 17, Javillonar 17, Javelona 7, Subido 7, Isip 6, Alabanza 2, Iñigo 2, Lopez 2, Publico 2, Sargent 2, Gabriel 0, Gumaru 0, Marata 0, Moralde 0.
Quarters: 22-14, 39-31, 59-48, 87-64.
(Ikalawang Laro)
CEU (93) - Ebondo 18, Aquino 18, Uri 15, Casiño 13, Jeruta 10, Manlangit 8, Wamar 7, Cruz 4, Arim 0, Baconcon 0.
Flying V (72) - Teng 13, Banal 11, Dionisio 11, Salamat 11, Torres 10, Cañada 8, Paredes 4, Tampus 3, Thiele 1, Austria 0, Koga 0.
Quarters: 31-14, 58-35, 79-61, 93-72.