GINAPI ni Janelle Mae Frayna si Dutch Jochem Mullink at Englishman Mark Gray para makisosyo sa ikalawang puwesto matapos ang anim na round sa Brugse Meesters 2017 sa Brugge, Belgium.

Umusad ang tanging Pinay Grandmaster sa 10-player group tangan ang limang puntos at makasama sa grupo nina Hungarian Grandmaster Attila Czebe, tumalo sa Pinay GM sa naunang 21st Hogeschool Zeeland Open 2017 sa Vlissingen, The Netherlands.

May pagkakataon si Frayna na makabawi sa karibal sa kanilang pagtutuos sa ikapitong round sa Miyerkules.

Nangunguna si Dutch International Master Lucas Van Foreest na may 5.5 puntios matapos magwagi kay Hungarian GM Zoltan Varga.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumabla naman si GM Jayson Gonzales, coach ni Frayna, kay Italian Carlo Marzano para sa 4.5 puntos.

Matikas na simula ni Frayna nang maungusan sina French Gregorie Mallet at Dutch Marcel Krosenbrink sa unang dalawang laro, bago nakihati ng puntos kay Russian GM Vladimir Epishin at Carlo Manzano.