Ni: Lyka Manalo

BALAYAN, Batangas - Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos umanong manlaban sa mga awtoridad na nagsagawa ng raid sa Balayan, Batangas, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office director Senior Supt. Randy Peralta, napatay si Leandro Cabungcal, alyas “Aron”, bandang 11:15 p.m. nang maghain ng search warrant ang mga awtoridad sa Barangay Pook.

Nagpaputok umano ng baril ang suspek na nauwi sa engkuwentro hanggang sa mabaril ito, at hindi na umabot nang buhay sa Balayan Bay View Medical Center.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober ng pulisya sa lugar ang isang .45 caliber pistol, mga basyo ng bala at isang sachet ng hinihinalang shabu.