Ni: PNA

PINAALALAHANAN ng Department of Health nitong Lunes ang publiko na umiwas sa pagkain ng half-cooked na manok at itlog upang masiguro na hindi mahahawahan ng bird flu virus mula sa mga hayop.

Sinabi ni Health Spokesperson Dr. Eric Tayag na ang pagkain ng manok at itlog nito ay hindi magiging sanhi upang mahawahan ng bird flu virus ang tao dahil mamamatay ang virus kapag niluluto na ang manok.

Aniya, maaaring mahawahan ng bird flu sa pamamagitan ng direktang pagkakalantad sa mga kontaminadong manok.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Puwede kasing pumasok ‘yung virus sa ilong, bibig at mata,” sabi ni Tayag.

Sa ngayon, ayon kay Tayag, ay wala pang naitatalang kaso na nakahawa sa tao ang bird flu sa Pilipinas.

Ang sintomas ng flu ay pagkakaroon ng lagnat, ubo at pamamaga ng lalamunan, aniya.

“Wala pa tayong human cases. Ang bird flu po sa atin ay nasa mga manok lamang. Hinihintay pa namin ‘yung kumpletong resulta, subalit sa report po ng Department of Agriculture, lumalabas na ang strain po ay highly pathogenic bird flu strain sapagkat maraming manok ang namatay. Kaya kumikilos nang mabilis ang DA. Inalerto na rin po ang mga beterinaryo po nila sa buong bansa na i-report kaagad kung may ganitong uri ng sitwasyon sa iba pang lugar,” pahayag ng opisyal.

Dagdag pa niya, batay sa mga record ng kaso ng bird flu sa ibang mga bansa, umabot sa 60 porsiyento ang mga nahawahang tao na may posibilidad na mamatay sa strain, isang prosesong makakabuo ng bagong influenza virus.