MULING bibida ang mga batang atleta sa 2017 Batang Pinoy, sentrong palaro sa grassroots program ng Philippine Sports Commission, sa gaganaping Visayas leg sa Dumaguete City sa Setyembre 23-29.

psc copy

Senelyuhan ang hosting sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina PSC Chairman Butch Ramirez at Dumaguete City Mayor Ipe Remollo nitong Lunes sa PSC administration office sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Batay sa kasunduan, pangangasiwaan ng pamahalaan ang supply ng quipment, logistics, technical people at pondo, habang sasaguting ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete ang accommodation para sa lahat ng kalahok, official at personnel, gayundin ang seguridad, transportation at medical personnel.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We are very happy. We will continue to support Dumaguete, not only during the Batang Pinoy,” pahayag ni Ramirez.

Nakatuon ang atensiyon ng PSC sa pagpapalakas ng grassroots program, tampok ang pagbuo ng Philippine Sports Institute (PSI), Children’s Game at ang Batang Pinoy.

“Now is the right time to put our resources in grassroots. If we have a solid foundation, walang dahilan para mag-fail tayo sa elite level. It is also our way to actively lead the youth away from illegal drugs,” aniya.

Tampok ang 18 sports sa regional leg kabilang ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, dancesports, karate-do, pencat silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis at vollyerball (beach at indoor).

Nakatakda ang BP Luzon leg sa Oktubre 22-28 sa Vigan City, habang wala pang venue para sa Mindanao leg.