Ni ABIGAIL O. DAÑO

IPINAMAHAGI nitong Hunyo ni Bill Gates, co-founder ng Microsoft na pinakamalaking software business sa buong mundo, ang 64 million shares ng nasabing kompanya, na nagkakahalaga ng $4.6 bilyon, ayon sa Securities & Exchange Commission nitong Lunes.

BILL GATES copy

Bagamat hindi tinukoy ang charity na tatanggap ng nasabing donasyon, ang 5% ng net worth ni Gates, na $89.9 bilyon, ay ang pinakamalaking naipamahagi niya sa loob ng 17 taon.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon sa Bloomberg, naipamigay na ni Gates ang $20 bilyon ng kanyang shares sa Microsoft noong 2000, at tinatayang nasa $50 bilyon na ang naipapamahagi niya sa iba’t ibang charitable institutions sa buong mundo, at pinakamalaki rito ang napunta sa Bill & Melinda Gates Foundation.

Matatandaan na gumawa ng Giving Pledge si Gates, kasama ang kapwa bilyonaryo na si Warren Buffet, noong 2010 na dinaluhan ng 168 iba pa na nangakong ipamamahagi ang malaking bahagi ng kanilang kayamanan sa charities.

Kaugnay nito, nananatili pa ring pinakamayaman si Gates sa buong mundo matapos ang ginawang donasyon.