Ni ADOR SALUTA

NITONG nakaraang Biyernes sa It’s Showtime, naikumpara ni Vice Ganda ang semi-finalist na si John Mark Saga kay Mr. Tony Calvento. Hindi iyon nagustuhan ng beteranong crusading journalist at nag-demand ito ng public apology sa TV host.

Agad naman daw tumawag si Vice kay Calvento nang maiparating sa kanya na na-offend ito sa pagbanggit niya sa pangalan nito.

VICE GANDA copy copy

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sinabi ni Tony Calvento sa isang panayam na tumawag nga sa kanya si Vice Ganda, at nag-apologize sa itinuturing nitong insulting remark sa pagkukumpara sa kanya sa “Tawag ng Tanghalan” semi-finalist na si John Mark Saga.

Kinabukasan, Sabado, binasa ni Billy Crawford sa It’s Showtime ang public apology ni Vice na absent nang araw na iyon dahil naroroon nasa ibang bansa para sa kanyang Pusuan Mo si Vice Ganda sa Korea concert.

Sa nasabing sulat, nilinaw ni Vice na, “ang intensyon ko lang naman ay magbigay-payo sa aming contestant na magtiwala sa sarili at sa kanyang kakayahan.”

Pero bukod sa binasang public apology on-air ni Billy, ang hiling ni Calvento ay mismong si Vice ang mag-apologize sa kanya sa programa. Kaya bukas, August 16, Miyerkules pagdating ni Vice galing South Korea, tutuparin niya ang ipinangakong personal na paghingi ng paumanhin kay Mr. Calvento.

“He said he will personally apologize on-air sa Wednesday. I still wait first,” sey ng dating Kapamilya legal TV drama host.

Una rito, nagbanta si Calvento na sasampahan ng kaso ang TV host/comedian at ang noontime program ng ABS-CBN.

“Yesterday, after using my name in an insulting manner, I threatened to sue the whole Showtime in a civil case and Vice Ganda in a criminal case.

“Vice called me up and I demanded a public apology to put him in his proper place. Just because you’re a famous host, you can make fun of anyone,” katwiran ng na-offend na journalist.

Ibinahagi rin ni Calvento ang maikling pag-uusap nila ni Vice.

Nang magkausap daw sila ni Vice sa pamamagitan ng celfone, ang tanging sinabi ni Vice ay, “Wala po akong masasabi kundi sorry po.”

“Well, that’s what he said,” wika ni Calvento sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

Kaabang-abang ang episode ng It’s Showtime bukas, pati na kung doon din matatapos ang sama ng loob ni Calvento at magkapatawaran na sila.