Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan – Isinuko ang pitong menor de edad na lalaki sa Kalibo Police matapos iturong sangkot sa serye ng pagnanakaw sa Barangay Nalook.

Ayon kay PO3 Nere Ian Malbas, ng Kalibo Police, dinala ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang, para imbestigahan sa serye ng pagnanakaw sa kanilang barangay.

Ayon kay Malbas, lumalabas sa imbestigasyon na tinatakot umano ng isang 34-anyos na mastermind mula sa Maynila ang mga bata.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Pagnanakaw ng gamit tulad ng cell phone ang modus ng mga suspek, na palihim na ipapasa sa mga kasabwat upang masalisihan ang biktima.