Ni: Bert De Guzman

Sinabi kahapon ni Samar Congressman Edgar Mary Sarmiento na may 100,000 magsasaka ang ayaw na sa bukirin at gusto na lang magtrabaho sa mga call center o fast food chain.

Ayon sa kanya, may isang porsiyento sa sektor ng agrikultura bawat taon ang nawawala kung kaya nanganganib na magkulang ng bigas ang bansa.

Mula 2013 hanggang 2015, patuloy ang .53 hanggang 1.92 porsiyentong pagbaba ng agricultural employment rate, batay sa census ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong 2013, mayroong 11.29 milyong kabataang Pinoy ang nasa sekrtor ng agrikultra, pero ito ay lumiit at naging 11.073 milyon noong 2015.

Ayon kay Sarmiento, nangangahulugan ito na 216,768 Pilipino na dati ay nakatutulong sa produksiyon ng pagkain ang bumago at lumipat sa ibang uri ng trabaho o kabuhayan sa loob ng dalawang taon.

Kapag hindi ito nasolusyunan, aasa ang Pilipinas sa importasyon ng bigas sa susunod na 20 taon.