GINAPI ng Diliman College Blue Dragons, sa pangunguna ni Adama Diakhite na tumipa ng 20 puntos, ang Arellano University Chiefs, 70-60, nitong Sabado sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Dinomina ng 6-foot-8 hulkman ang rebound at hindi napigilan ang inside play sa kabuuan ng laro para ibigay sa Blue Dragons ang ikatlong sunod na panalo.

Nanguna si Rickson Gerero sa Blue Dragons sa naiskor na 24 puntos para makopo ang liderato sa Group B.

Nagsalansan ng 16 puntos sa Chiefs, unang talo sa tatlong laro, si Ian Alban.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa Junior division, ibinalandra ng Diliman Preparatory School Baby Dragons, sa pangunguna ni Patrick Bianan na may 17 puntos, ang San Beda-Rizal B Red Cubs, 90-69.

Ginapi ng San Beda-Rizal A ang Letran Squires, 76-47, habang pinatalsik ng Manila Patriotic School ang La Salle-Greenhills, 83-67.