NI: Mary Ann Santiago

Isang basurero ang nasawi nang masagasaan at makaladkad ng motorsiklo sa maling tawiran sa Barangay Bagong Ilog sa Pasig City, nitong Linggo ng gabi.

Ang biktima ay nakilala lamang sa pangalang Ronnie, alyas “Rambo”, nasa hustong gulang, at walang permanenteng tirahan.

Samantala, arestado at nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide si Romeo Ting, nasa hustong gulang, motorcycle rider, at taga-Bgy. Sto. Rosario, Malolos, Bulacan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Batay sa ulat ni Senior Supt. Orlando Yebra Jr., hepe ng Pasig City Police, kay Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula, nabatid na dakong 8:32 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa C-5 Service Road sa Bgy. Bagong Ilog. Bumibiyahe sa northbound lane ng naturang service road si Ting, sakay sa kanyang Yamaha Mio (3772-XJ) nang bigla niyang masagasaan ang tumatawid na biktima at nakaladkad pa nang ilang metro.

Sa tindi ng impact ng aksidente ay kaagad na nasawi ang biktima, habang sugatan din si Ting na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo at isinugod sa Rizal Medical Center (RMC).