OUAGADOUGOU (AFP) – Labimpitong katao ang pinaslang at isandosenang iba pa ang nasugatan sa ‘’terrorist attack’’ sa restaurant sa kabisera ng Burkina Faso, sinabi ng pamahalaan nitong Lunes.

Ayon sa mga saksi, dumating ang tatlong armadong lalaki sakay ng pickup truck sa isang Turkish restaurant nitong Linggo ng gabi at pinaulanan ng bala ang mga nakaupong kustomer sa labas.

Kasunod nito ay naglunsad ang pamahalaan ng counter-assault, at magdamag na narinig ang mga putukan.

‘’A terrorist attack at Istanbul restaurant on Ouagadougou’s Kwame Nkrumah Avenue claimed 17 victims, their nationalities are yet to be confirmed,’’ saad sa pahayag ng pamahalaan, idinagdag na 12 katao ang nasugatan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na