KUMPIYANSA ang Perlas Philippine Women’s basketball team na maiuuwi ang gintong medalya sa pagsabak sa 29th edition ng Southeast Asian Games (SEAG) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ipinahayag ni forward Raiza Rose Dy na narating ng Perlas ang ‘maturity’ matapos ang mahabang panahong pagsasama-sama at pagsabak sa international tournament sa nakalipas na taon.

Ibinida ni Dy, pambato ng Far Eastern University, na ang dominanteng panalo ng Perlas sa 2016 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament at ang pagkakasampa sa Level 1 sa FIBA ay tapik sa balikat ng Pinay cagers.

“Our fourth place in 2015 Singapore games made us worked harder, we sacrificed a lot and we proved it by winning the SEABA crown (2016),” sambit ni Dy.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Malaki ang expectation ng management at team naming ngayon. They expect us to win the gold. Hindi kami pahuhuli sa opensa,” aniya.

Inaaahan niyang magbibigay ng malaking hamon sa Perlas ang Indonesia, Thailand at host Malaysia.

Kabilang din sa Perlas sina Aracelie Abaca, Analyn Almazan, Jack Danielle Animan,Afril Bernardino, France Mae Cabinbin, Claire Castro, Allana May Lim,Janine Pontejos,Cindy Resultay, Camile Samble at Marizze Andrea Mae Tongco.

Sisimulan ng Perlas ang kampanya laban sa Singapore sa Agosto 20 sa Malaysia Basketball Association Arena. - PNA