NI: Entertainment Tonight

KEEP the Backstreet pride alive!

Ipinagdiwang kahapon nina Nick Carter, Howie Dorough, Brian Littrell, AJ McLean at Kevin Richardson ang kanilang ika-20 taon simula nang ilabas ang kanilang unang album na Backstreet Boys.

Nick, AJ, Brian, Howie at Kevin copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“What a 20 years it’s been! To each and every one of you who’s been a part of this journey, thank you! We love you all. #20YearsBackstreetAlbum,” saad ng banda sa kanilang Instagram nitong Sabado.

Inilabas ng BSB ang kanilang self-titled album noong Agosto 12, 1997. Nitong Sabado, ang mga mang-aawit – na magbabalik sa kanilang Vegas residence sa Nobyembre – ay kabilang sa mga nagtanghal sa opening acts para Florida Georgia Line at nagtanghal sa Wrigley Field sa Chicago, Illinois.

Pinasalamatan ni McLean sa pamamagitan ng Instagram Stories ang fans sa walang sawang pagsuporta at dedikasyon sa kanilang grupo.

“I think it’s pretty awesome that today, 20 years ago, our first U.S. album was released and here we are now, 20 years later, selling out Wrigley Field. God bless you guys,” aniya.

“I want to thank you guys for helping us create this 20th anniversary for Backstreet’s first album,” dagdag na post pa ni Dorough sa Instagram. “You guys are the heart and soul of the group. You guys are the Backstreet army and happy anniversary to you too.”

Nauna nang kinapanayam ng ET ang BSB tungkol sa kanilang nakakagulat na sekreto upang mapanatiling buo ang grupo sa loob ng mahigit dalawang dekada.

“It’s like a marriage,” pag-amin ni Richardson, na agad sinegundahan ng kanyang bandmates.

“We go to counseling,” dagdag ni Carter, at sinabing si Dorough ang nakaisip ng naturang ideya. “We talk things out,” pagpapaliwanag niya.