ni Orly L. Barcala

Upang labanan ang ilegal na pangingisda, binuo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pamamagitan ng Josefa Slipway Inc. sa Navotas City, ang dalawang 50.5-meter steel-hulled Multi-Mission Offshore Vessels (MMVO’s).

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, ang nabanggit na mga sasakyang-pandagat ay gagamitin upang protektahan ang katubigan ng Pilipinas laban sa ilegal na pangingisda at iba pang mga aktibidad tulad ng seaborne research, disaster relief at rescue operations kaugnay ng plano ng administrasyong Duterte sa paglikha ng mas maraming barko para sa bansa.

“Ang mga barkong ito ay bunga ng galing at kasanayan, at pagiging malikhain at maparaan ng mga Navoteño. Ang ating mamamayan ang tunay na lakas at kayamanan ng ating lungsod,” ani Tiangco sa kanyang talumpati.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Buong pagmamalaki kong masasabi na ang dalawang bagong MMOV’s na ito ay kasing-ganda ng kalidad sa mga barkong gawa sa ibang bansa,” dagdag pa ng alkalde.