KUNG tama ang magiging diskarte ni Pinoy fighter Kevin Belingon laban kay dating world title challenger Reece McLaren, asahang may naghihintay na bukas para sa Team Lakay member.

BELINGON copy copy

Nakatakdang harapin ni Belingon si McLaren sa ONE: QUEST FOR GREATNESS sa Agosto 19 sa Stadium Negara sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Panalagin ng 29-anyos na pambato ng Baguio City na makalikha ng kumbinsidong panalo kay McLaren upang mabigyan ng pagkakataon na muling maikasa kay Bibiano “The Flash” Fernandes para sa ONE Bantamweight World Championship title.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“My initial goal is to continue winning until I get closer to the title and become a champion,” sambit ni Belingon.

Nakuha ni Belingon ang pagkakataon noong Enero 2016 nang hamunin niya si Fernandes para sa ONE Bantamweight World Championship belt, ngunit nabigo ang Pinoy fighter.

Mula sa kabiguan, unti-unting bumangon si Belingon at nagawang magapi ang sumisikat na si Muin Gafurov ng Tajikistan kasunod ang panalo kay Finnish dynamo Toni Tauru nitong Abril sa sold-out crowd, 20,000-capacity SM Mall of Asia Arena sa Manila.

“I believe I will face Bibiano Fernandes if I can defeat Reece McLaren impressively. My dream of finally becoming a world champion is still there. It still lives in my heart. My upcoming bout is another journey to elevate my status as a contender for the title,” pahayag ni Belingon.

“It’s just the beginning for me. As a competitor, I have to keep on learning and adapt to changes in this forever-evolving sport. Through the years, improvement has been the key to my success. I am ready for Reece McLaren,” aniya.