Ni: PNA

GINULAT nina Philippine Army (PA) member ang mga karibal nang pagharian ang Manulife Danang International Marathon 2017 kamakailan sa Vietnam.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Army spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson na nagwagi ang dalawang Armymen sa kani-kanilang class sa 21K marathon event.

Nadomina ni Cpl. Jho-an Banayag-Villarma ang Women’s Category sa tyempong isang oras, 31 minuto at 53 segundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hawak ni Banayag-Villarma, pambato ng Compostela Valley at bronze medalist sa 42 km event sa 2007 SEA Games sa Thailand, ang national record na 2 oras , 44 minuto at 41 segundo na nananatiling marka hanggang ngayon.

Nagkampeon din siya sa 42 km event during the 2009 SEA Games sa Laos.

Nakamit naman ni Pfc. Richard Salaňo ang bronze medal sa Men’s Category sa tyempong isang oras, 20 minuto at 36 segundo, may 0.33 segundo ang laro sa silver medalist mula sa Vietnam.

Mahigit 700 runners ang sumabak sa men’s class ng 21 km event.

Ang Danang International Marathon ay kauna-unahang professional Marathon sa Vietnam na sanctioned ng IAAF – AIMS (International Association of Athletics Federations and Association of International Marathons and Distance Races).

"Our soldier athletes have continuously shown that hardwork, dedication, and commitment will propel every soldier to success. These are the traits that are worth emulating by all soldiers whatever their field of specialization and wherever they are assigned. This also serves as inspiration to our soldiers fighting the different threat groups in the country particularly our troops fighting extremist terrorists in Marawi City," pahayag ni Tiongson.