Ni: Bert De Guzman

Sinabi kahapon ni House Appropriations Chairman at Davao City Congressman Karlo Nograles na hindi na dapat mag-alala si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kukunin ang pondo para sa Republic Act 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act.)

“Together with the Department of Budget and Management and the Commission of Higher Education, we have achieved a breakthrough and managed to identify at least P16 billion funds that would be readily available in time for the first semester enrolment next year,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, ang P16 bilyong pondo ay manggagaling sa iba-ibang scholarships sa iba’t ibang departamento na maaaring pagsamahin para sa implementasyon ng batas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador