Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) kahapon na 16 lamang sa kabuuang 111 local universities and colleges (LUCs) ang maaaring maging tuition-free o walang matrikula sa susunod na academic year maliban kung makatanggap accreditation ng ahensiya ang nalalabing iba pa.

Ipinaliwanag ni CHED Commissioner Prospero de Vera III na ilang components ng bagong Universal Access to Quality Tertiary Education Act, gaya ng student loan program, ay talagang hindi kaagad maipatutupad.

“That’s why the decision of the President when he signed the law is to stagger the implementation of the different components of the law over the next three or four, or even five years,” aniya sa press briefing sa Malacanang Palace kahapon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“For example, the student loan program, you need to design that well. You cannot implement that two, three months from now. You have to talk with government financial institutions because the ones who will be providing the loan facility,” aniya.

Sinabi niya sa kasalukuyan 16 lamang ng kabuuang 111 LUCs ang maaaring pondohan dahil ang mga ito lamang ang sinertipikahan ng CHED na nakasunod sa pamantayan ng ahensiya.

Ayon kay De Vera, halos kalahati ng LUCs sa bansa ang hindi nakapag-apply para sa evaluation ngunit inaasahan na ng CHED ang kanilang application sa mga susunod na linggo.

Nilinaw din ni De Vera na ang working students at iba pang estudyante na hindi nakapa-enrol ng full load ay hindi masasakop ng bagong batas.