Ni Ernest Hernandez
NAGSISIMULA pa lamang ang Phoenix Fuel Masters sa pagbabagong inaasam sa koponan kaya’t asahan ang kasunod na blockbuster trade matapos ang kinasangkutan nina Mark Borboran at dating Rain or Shine mainstay Jeff Chan.
Iginiit ni coach Ariel Vanguardia na puno na ang salop para sa pagiging inconsistent ng koponan.
“Lumalamang sila, hinabol namin, lumalamang ulit sila tapos hahabulin ulit namin – yung sense of urgency ng mga players… wala!” alburuto ni Vanguardia.
Aniya, huling hibla ng kanyang pagtitiis ang napatid nang mabigo ang Phoenix sa Blackwater.
“Sinabi ko nga – we need changes. So kung ganyan, expect changes. Let us not be complacent on where we are. There has to be changes,” pahayag ni Vanguardia.
Sa pagdating ng beteranong si Chan, may nakikitang silahin ng pag-asa si Vanguardia tungo sa huling ratsadahan sa semifinals.
“The challenge is we played the first five games that are below us and we are 2-3. Now, we are playing six teams that are above us,” sambit ni Vanguardia.
“Kung walang change, it will be difficult for us. So, expect changes.”