Ni NORA CALDERON

NAPANGITI si Martin del Rosario nang sabihang sensitive actor siya at mas mahusay kapag gumaganap bilang troubled young man, tulad ng mga ginampanan niyang umani ng awards tulad sa pelikulang Dagim at Dagitab.

RYZA AT MARTIN copy

Ngayon, muling napansin ang kahusayan ng pagganap niya sa Ang Manananggal sa Unit 23B bilang brokenhearted young guy na na-in love sa kanyang kapitbahay na hindi niya alam na may dark secret, si Jewel (Ryza Cenon).

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kumusta naman ang working relationship nila ni Ryza?

“Nag-enjoy po ako sa movie namin dahil first lead role ko ito sa isang romantic movie,” sabi ni Martin. “Hindi po ito horror movie dahil may manananggal, pero isa po itong dark romance movie. Hindi naman naging mahirap sa amin ni Ryza ang magtrabaho dahil nagkasama na kami sa Magpakailanman kaya magkakilala na kami at naging comfortable kami sa isa’t isa. Tahimik lang si Ryza, pero kapag take na, ibinibigay niya lahat ang kaya niya, she’s a dedicated actress, madadala ka niya kapag kaeksena mo siya.

“Kaya sana po ay mapanood ninyo ang aming movie simula sa August 16, isa kami sa entries sa Pista ng Pelikula Pilipino and showing po kami in cinemas nationwide. R-16 po ang classification namin, mula saThe IdeaFirst Company, Inc.”

Busy rin si Martin sa Mulawin vs Ravena, ginagampanan niya ang role ni Aramis, ang magiging tagapag-alaga ng Sugo ng mga Mulawin, si Almiro (Derrick Monasterio).

May sisimulan din siyang horror movie sa OctoArts Films na kasama si Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina sa direksiyon ni Joey Reyes. Happy rin si Martin na doing well ang kanyang bar sa Tandang Sora, Quezon City, ang The Armory. Successful nga kaya balak nilang magtayo ng branch nito sa Parañaque.