Sa kabila ng mga umiiral na batas na nagbabawal sa paggamit ng mga kemikal na pataba at pestisidyo sa bansa, napaulat na may ilang insidente pa rin ng patuloy na paggamit sa mga ito sa ilang sakahan.
Ito ang ibinunyag ng Babala (Bayan Bago ang Lahat), sa kabila ng pagbabawal sa pag-aangkat ng mga nakapipinsalang chemical fertilizer at pesticide alinsunod sa RA 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act), na sinusugan ng RA 10068 (Agricultural Organic Act).
Giit ni Gerry Constantino, kinatawan ng grupo, hindi na kailangan pang mag-angkat ng toxic substances dahil nakagagamit naman ang mga magsasaka ng “effective vermicast organic fertilizer and indigenous, natural botanical pest control inputs that are safe to humans, plants and environment”.