Nina Ellson A. Quismorio at Argyll Cyrus B. Geducos

Para sa ilang kongresista, si Pangulong Duterte ang kikilalanin bilang pinakamahusay na presidente sa kasaysayan ng bansa dahil sa malasakit nito sa mga Pilipino.

Ito ang papuri ngayon ng mga miyembro ng Kamara kay Pangulong Duterte, kasunod ng pagsasabatas ng huli para maging libre ang matrikula sa mga state universities and colleges (SUCs).

“Yes, I agree that he is the best. He has a strong political will to go against the norms of bureaucracy and norms of bad politics,” sinabi kahapon ni House dangerous drugs committee chairman, Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Barbers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kabila ng pagtutol ng mga economic adviser ni Duterte ay nilagdaan nito ang panukala noong Huwebes ng gabi, at ayon kay Barbers “(Duterte) showed a strong resolve to deliver his promises to our people”.

“The most caring president who walks the talk,” paglalarawan naman ni Isabela 1st District Rep. Rodito Albano, kasapi ng Commission on Appointments, sa 72-anyos na presidente.

Para naman kay Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo, ang kasaysayan ang maghuhusga kung totoong si Duterte ang pinakamahusay na naging pangulo ng bansa, ngunit idinagdag na hindi ito malayo sa katotohanan.

“History will judge it. But all indications point to it,” ani Castelo, chairman ng Metro Manila development committee.

“That is one of the best social legislations our history which will be the legacy of President Duterte,” sabi naman ni AKO-Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe.

Sa kanyang pagbabalik sa Marawi nitong Biyernes, ipinaliwanag naman ni Duterte ang kanyang naging pasya.

“Kasi ‘yung iba they can pursue studies. They can go to UP (University of the Philippines), Ateneo, La Salle, [and] UST (University of Santo Tomas). ‘Yung kasi ‘yung atin lang mga technical, technical,” anang Pangulo. “Ang bata naman kung may utak, bigyan natin ng panahon.”