Ni LITO T. MAÑAGO

HINDI na nakapagtimpi ang Bubble Gang mainstay na si Sef Cadayona sa lumabas na balita sa isang tabloid (hindi sa Balita) tungkol sa kanya at kay Maine Mendoza na inuugnay sa kanya.

Sa kanyang Twitter account, inilabas ng aktor ang kanyang hinaing sa mga nagdududa sa relasyon niya sa favorite leading lady ni Alden Richards.

Ani Sef (unedited), “Okay. Una sa lahat wala akong sinasabing ganun. That is very misinformed article.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maine Mendoza
Maine Mendoza
Quoted si Sef sa diyaryo na umamin daw na nagkikita sila ni Maine at sinabi pa raw niyang hindi pa sila ng aktres, base sa screencap ng column item na lumabas sa tabloid na ipinadala sa amin via direct message (DM) sa Twitter.

Paglilinaw ng Kapuso comedian, “Walang ganyan na nangyayari at walang kahit na ano pa.”

Dugtong ni Sef, “Wala din lumabas sa bibig ko na ganyan. Stop the hate. You are just putting hate on me and on the other person. Na hindi tama.”

“This is time that i have to speak up. Kasi seriously. Sobra na. Pati family ko pa dinadamay niyo sana ako na lang,” pakiusap niya.

Ayon sa mga fantard, mother diumano ni Sef ang nagkakalat ng balita tungkol sa kanila ni Maine.

“Whatever you think of us na sobra sa pagkamalisyoso is not true! Come on. Again. Wala akong sinasabing ganyan,” pagkaklaro ng dating Starstruck hopeful.

Oh and by the way... Just to answer it, HINDI PO KAMI NAGKIKITA. Sa kahit na ano pa. Kasi walang ganyan na nangyayari,” bahagi pa ng post ng controversial na binata.

“Maine and I are friends. Hindi kami nagdedate. Tapos.”

So there you go! Mula na mismo kay Sef ang paglilinaw na hindi sila nagdi-date ni Maine at hindi sila “lovers” kundi magkaibigan lang talaga.

With this, sana matigil na ang isyu kina Sef at Maine at manahimik na rin ang mga nang-iintriga at gumagawa ng isyu sa dalawang GMA talents.