KIGALI (Reuters) – Sinelyuhan ni incumbent leader Paul Kagame ng Rwanda ang panalo sa presidential elections na mag-uuwi sa kanya sa ikatlong termino.

Nagtagumpay si Kagame sa pamumuno sa kapayapaan at mabilis na pagbangon ng ekonomiya sa Central African nation simula noong 1994 genocide, kung saan aabot sa 800,000 Tutsis at Hutus ang napatay.

Sa tinamong 80 porsiyentong boto, nasiguro ng 59-anyos na dating guerrilla leader ang 98.66%, sinabi ni National Electoral Commission’s Executive secretary Charles Munyaneza sa news conference.

“We expect that even if we get 100 percent of votes, there will not be any change,” aniya.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina