PINATUNAYAN ni Ian Cris Udani na isa rin siyang pambato ng Philippines chess matapos magkampeon sa Kejohanan Catur Piala YDP MPS Seremban Chess Open 2017 kamakailan sa Seremban, Malaysia.

Giniba ni Udani, dating top player ng University of St. La Salle – Bacolod, si Malaysian Kumar Reddy Poluri Bharat sa final round tungo sa perfect 7.0 puntos sa torneo na may champion prize na 1,000 Malaysian Ringgit.

Ang Kuala Lumpur, Malaysia-based na si Udani na nagtatrabaho bilang chess teacher ay nagwagi kina Ahmad Aswadi Ali Hassan at Rajan Shakti Muzzaffar Ahmad ng Malaysia, sa kababayang si Michael Angelo Palma, Foo Chee Kin at Jianwen Wong ng Malaysia, ayon sa pagkakasunod.

Nakopo ni Palma, nagwagi sa huling tatlong laro, kabilang sa kababayang si National Master (NM) Stewart Manaog sa final round, para makamit ang ikalawang puwesto tangan ang 6.0 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang Cabuyao, Laguna pride na si Palma, senior engineer sa Selangor, Malaysia, ay ex-varsity player ng Mapúa Institute of Technology noong dekada 90’s. Gilbert Espeña