Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Alaska vs TNT

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. – SMB vs Star

MAGHIHIWALAY ng landas ang magkapatid na koponang San Miguel Beer at Star Hotshots upang makasalo ng Meralco sa ikalawang posisyon sa team standings sa kanilang pagtutuos ngayon sa tampok na laro sa nakatakdang double header ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang magkatabla sa ikatlong puwesto ang Beermen at Hotshots taglay ang barahang 2-0, isang panalo ang pagkakaiwan sa pumapangalawang Meralco (3-0).

Huling tinalo ng Grand Slam seeking San Miguel Beer ang nakaraang Commissioners Cup losing finalists TNT Katropa, 97-91 noong nakaraang Miyerkules habang ipinalasap naman ng Star sa Alaska ang ika-11 sunod nitong pagkatalo mula pa noong second conference at ikatlong dikit ngayong Governors Cup sa iskor na 100-92.

Matinding tapatan ang tiyak na inaasahan sa pagitan ng mahuhusay na import na sina Wendell McKines para sa Beermen at ang batang -batang si Malcolm Hill ng Hotshots.

Bagamat 21-anyos pa lamang, tiwala si coach Chito Victolero na malayo ang kanilang mararating sa tulong ng kanilang reinforcement na tumapos na may 28 puntos at 11 rebounds sa una nitong laro.

“He’s only 21 years old but he knows how to win. He knows how to play,” ayon kay Victolero.

Mauuna rito, magkukumahog ang Aces na makaahon sa kinasadlakang 11-game losing streak magmula pa noong nakaraang conference habang magsisikap ding bumalik sa winning track ang Katropa upang makatabla sa Ginebra (2-1) sa ikaapat na puwesto.

Inaasahang magkakaroon na ng sapat na suporta si Alaska import Le Dontae Henton na tumapos na may 34 pintos sa nakaraang pagkatalo nila sa Hotshots sa pagbabalik ni “The Beast” Calvin Abueva.

hindi lumaro si Abueva para sa Aces sa nakaraan nilang laban upang ayusin ang ilang problemang personal.

Bukod kay Abueva, inaasahan din ni coach Alex Compton na mag -step -up para sa Aces sina Vic Manuel, JV Casio, Sonny Those, Chris Banchero, Nonoy Baclao at Sonny Thoss.

Sa panig naman ng Katropa, sasandigan naman ni coach Nash Racela upang makabawi sa nakaraan nilang pagkatalo sina import Michael Craig, Gilas members Ready Pogoy at Jason Castro, at Ranidel de Ocampo .