Ni: Beth Camia

Iimbestigahan ng Department of Justice (DoJ) ang isang prison guard na umano’y nahulihan ng droga sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, aalamin muna nila ang buong detalye kung bakit at paano nakuha sa pag-iingat ni Prison Guard 1 Ernesto Dionglay, Jr. ang 100 gramo ng shabu.

Kahapon ng umaga, habang isinasagawa ang body search sa mga empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor), nakuha mula kay Dionglay ang droga.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Kasalukuyang naghihimas ng rehas ang akusado sa Muntinlupa City Police Station.