MAPAPANOOD sa unang pagkakataon ang tambalan nina Maris Racal at Iñigo Pascual ngayong Sabado sa kanilang pagganap bilang campus sweethearts na hahamunin ng pagkakalayo ang relasyon sa Maalaala Mo Kaya.

MARIS copy

Itinuring na love team sa eskuwela ang magkaklaseng sina Allan (Iñigo) at Lou Ann (Maris). Nagsimula ang lahat sa tuksuhan at awayan na kalaunan ay nauwi sa pag-iibigan. Dahil na rin sa suporta ng mga kaibigan at iba pang mga taong malapit sa kanila, naging maayos ang relasyon ng dalawa hanggang sa sila ay nagkolehiyo.

Ngunit laging may kaakibat na pagsubok ang pag-ibig. Tulad ng lahat ng murang pag-ibig, hinamon ang katatagan nina Allan at Lou Ann nang umalis papuntang Dubai ang binata.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Makayanan kaya ng dalawa ang long distance relationship? May susuko ba sa kanila o mananatiling matibay ang love team na minahal ng lahat?

Makakasama rin nina Maris at Iñigo sa episode sina Arlene Muhlach, Jairus Aquino, Rochelle Barrameda, Nikki Bagaporo, Heaven Peralejo,Vivoree Esclito, Andre Yllana, Amy Nobleza, Kokoy de Santos, Bea Basa, at Noel Comia. Ang episode ay mula sa panulat ni Mark Angos at sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.