Inaasahang dadagsa ang mga lalahok sa idaraos na Shell National Youth Active Chess Championships (SNYACC) sa Mindanao ngayong buwan para sa Northern Mindanao qualifying leg na gaganapin sa SM City sa Cagayan de Oro.
Ayon sa organizers ng longest running chess talent search, inaasahan na nila ang malaking bilang ng mga kalahok sa ikatlong yugto ng 5-stage regional eliminations sa Agosto 12-13 dahil itinuturing ang rehiyon bilang hotbeds ng sport.
Matinding laban din ang tiyak na matutunghayan para sa gagawing pag-aagawan sa top two spots ng tatlong dibisyon na kiddies, juniors at seniors na kasama ng tatapos na top female player na uusad sa national finals sa Oktubre.
Nagsimula na ang rehistrasyon para sa mga kalahok na first-come, first-served basis para sa target na 400 slots.
Para sa kaukulang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa tournament coordinator na si Alex Dinoy sa telepono - 0922-8288510 .
Ang mga kuwalipikadong sumali ay mga manlalaro na edad 7 hanggang 12 (ipinanganak mula 2004 hanggang 2009) para sa kiddies, 13 hanggang 16 anyos (ipinanganak ng 2000 hanggang 2003) para sa juniors at 17 hanggang 20 (ipinanganak ng 1996 hanggang 1999) para sa boys at girls.
May 20 ng mga manlalaro ang nakausad sa grand finals na gaganapin sa Oktubre 7-8 sa SM Mall of Asia na kinabibilangan ni Francois Marie Magpily NG Gen.Pio National High School na nagwagi sa junior division at tumapos na top female player sa NCR leg ng circuit.
Samantala, ang Davao ang magsisilbing host ng susunod na leg sa Setyembre 2-3 para sa Southern Mindanao bago ang Visayas qualifier sa Setyembre 16-17 SA Cebu.