Ni: Leonel M. Abasola

Umaasa pa rin si Senator Bam Aquino na lalagdaan na ni Pangulong Duterte ngayong linggo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act bilang batas upang malibre ang mga Pilipino sa pag-aaral sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges, at technical and vocational institutions (TVIs).

“The administration must prioritize education. Let’s not lose hope that we will invest in the future of our youth and their families. This is a policy that everyone in the Senate supported, regardless of political party. Inaasahan rin ito ng 1.6 milyong estudyante sa SUCs, pati ng kanilang pamilya. So, I am still hoping this will become law,” ani Aquino.

Hindi kasi nabanggit ng Pangulo ang nasabing panukala sa State-of-the-Nation Address (SONA) nito, kaya masasabing hindi ito kabilang sa mga prioridad ng administrasyon.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Hanggang sa Sabado, Agosto 5, na lamang kasi maaaring pirmahan ng Pangulo ang nasabing panukala, at kung hindi malalagdaan ay maisasantabi o mabi-veto na ito.

Umaasa rin si Senator JV Ejercito na lalagdaan ni Duterte ang nasabing panukala.

“If the government can spend P70 billion a year for Conditional Cash Transfer, which is a dole out, why can’t we spend P28 billion for higher education? I would rather invest for higher education since this is the best way out of poverty and not through dole outs,” paliwanag ni Ejercito.