Ni LEONEL M. ABASOLA

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros, vice chairwoman ng Senate Health Committee, sa pamahalaan na gawing “national emergency” ang mabilis na pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ito ay matapos iulat ng UNAIDS na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng HIV at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) infection sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Hontiveros, dapat na magkaroon ng malawakang impormasyon at maagap na paggamot sa HIV/AIDS.

“The government must focus its time and resources on this urgent, life and death matter. We cannot afford to lose our young people to this epidemic. Equally, the government must ensure that people with HIV live with dignity and without fear of stigma and discrimination. This is a fight we cannot afford to lose,” giit ni Hontiveros.

Nitong Mayo lamang, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,098 kaso ng HIV/AIDS, ang pinakamataas simula noong 1984. Karamihan o 83 porsiyento ng mga bagong biktima ay nahawa sa pakikipagtalik sa kapwa kasarian, at dalawa sa tatlong bagong HIV infection ay mga lalaking nasa edad 15-24.