Ni: Reggee Bonoan

TRULILI kaya na nagpakasal na ang kilalang aktor sa kanyang long-time boyfriend? Yes, Bossing DMB, aktor at boyfriend niya, ikinasal na.

Hindi lang matiyak ng aming source kung sa ibang bansa ginanap ang kasalan, pero hindi naman talaga uubra ang same sex marriage dito sa Pilipinas dahil hindi pa balido o legal.

Sabagay, madalas sa ibang bansa si aktor batay na rin sa posts niya sa social media at may isang post na kasama niya ang boyfriend niya. Hindi nga lang namin mahulaan kung saang bansa ito. Hindi naman sila nakabihis dahil parang bakasyon lang iyon sa isang resort.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang eksaktong sabi ng aming source, “Huy, ikinasal na si _____ (aktor) sa boyfriend niyang guwapo. Ayaw pa lang nila itong aminin alam mo na.”

Open naman sa publiko na may boyfriend si aktor, pero tiyak na magugulat ang lahat kapag nalamang ikinasal na siya dahil hindi naman ito napag-usapan kapag na-iinterbyu siya.

Anyway, kung saan maligaya ang aktor, nakasuporta lang kami sa kanya dahil unang-una wala naman siyang inagrabyadong tao at higit sa lahat, mabait siya sa lahat ng tao at katrabaho niya.