NI: Jeffrey G. Damicog

Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DoJ) kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim at pitong iba pa.

Isasagawa ng DoJ ang unang hearing sa Agosto 14 para sa mga kasong isinampa laban kay Lim at kanyang mga kasama sa paglabag sa Section 26 (b) in relation to Section 5 (Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ipinatawag na ng DoJ ang walo at pinagsusumite ng kani-kanilang counter-affidavit sa Agosto 14.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon