Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Ginebra vs Kia Picanto

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7 n.g. -- TNT Katropa vs San Miguel Beer

MAKASALO ang Star Hotshots sa ikatlong puwesto ang kapwa hangad ng TNT Katropa at Grand Slam seeking San Miguel Beer sa tampok na laro nang nakatakdang double header sa 2017 PBA Governors Cup ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Mag-uunahang makadalawang panalo ang Katropa at Beermen sa kanilang pagtutuos ganap na 7:00 ng gabi matapos ang unang laro tampok ang Barangay Ginebra at Kia Picanto ganap na 4:15 ng hapon.

Magkasalo sa kasalukuyan ang dalawang koponan sa ika-apat na posisyon taglay ang barahang 1-0, kasunod ng pumapangatlong Star na may 2-0 marka.

Unang ginapi ng Beermen ang Blackwater, 118-93 habang tinalo naman ng Katropa ang Kia Picanto, 106-96.

Para kay Beermen coach Leo Austria, ang panalo kontra Elite ay isang magandang panimula para sa hangaring dominasyon sa liga.

“I think this is a good start for us. Usually kasi pag galing kami sa championship, we struggle, “ sambit ni Austria.

Sasandigan ni import Wendell McKines -- umiskor ng 19-puntos, 12-rebound at limang assist sa huling laro ng Beermem – para sa mas impresibong laban.

Mauuna rito, ikalawang sunod na panalo rin ang target ng Kings matapos ang tagumpay sa ikalawa nilang laro kontra Globalport,124-108 habang magkukumahog naman ang Kia Picanto na makaahon mula sa 0-3 nilang panimula.