Ni REGGEE BONOAN

GUSTUNG-GUSTO naming nakakakuwentuhan ang fans o supporters ng mga artista dahil marami kaming nalalaman lalo na tungkol sa personal nilang buhay, kung bakit sila naging tagahanga at sumusuporta sa isang artista at mas maraming ginugugol na oras sa kanilang mga idolo at kung ano naman ang kapalit ng paghihirap nila.

Panay sakripisyo lang ba ang fans para sa kanilang idolo? Ganito ba lahat ng supporters o may nabibigyan din ng pagpapahalaga ng hinahangaan nila?

Nakatsikahan namin ang ilan sa loyalistang supporters ni Rhian Ramos na ang tawag sa grupo nila ay CyberRhians.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento nila, 11 years na nilang kasama sa hirap at ginhawa ang aktres. Yes, Bossing DMB, umpisa pa lang ng career ng dalaga ay present na ang grupo ng fans club nila.

Bakit si Rhian, tanong namin sa fans.

“Ano po kasi siya, totoong tao, what I mean was, hindi siya nagkukunwari, kapag wala siya sa mood ‘pinapakita niya, kapag pagod siya hindi niya itinatago at kapag masaya siya sinasabi niya.

“Kaming fans kapag alam naming wala siya sa mood o pagod, pinagpapahinga na namin siya, hindi na namin siya iniistorbo, kami na po ang nag-a-adjust,” paliwanag ng CyberRhian member na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ano naman ang napapala nila sa pagsuporta kay Rhian?

“Basta open po siya sa amin, masaya siya, masaya rin po kami, hindi kami nanghihingi ng kapalit.”

Hindi man sila kalakihang grupo, kaya nilang magpa-concert dahil sila ang producer ng katatapos na Rhian of Steel na ginanap sa Teatrino Promenade nitong nakaraang Sabado.

“May mga support groups naman po kami all over the country at abroad, may mga nagpi-finance naman po in every project na ginagawa namin,” sabi sa amin.

Kapag anibersaryo ni Rhian sa showbiz, palagi palang may project ang supporters niya at isinasagawa ito bilang fans day at ngayong 2017 lang nag-produce ng mini-concert.

“Supposedly, fans day lang po sana ito, pero since performer naman din po si Rhian kaya napag-usapan naming ituloy na lang niyang mag-show,” sabi pa.

May mga advocacy ang CyberRhians. Noong Abril ay namigay sila ng mga gamit pang-eskuwela sa mga estudyante sa pamamagitan ng programa ni Ms. Kara David at ang proceeds naman ng Rhian of Steel concert ay para sa lunch box project at iba pang pangangailangan ng mga estudyante.

Bilang tulong na rin sa advocacy ng kanyang fans, hindi nagpabayad si Rhian sa show niya at tumulong pa ngang mag-imbita ng mga manonood.

Sa tagal ng aktres sa showbiz, bakit ngayon lang siya nag-show?

“’Yung singing kasi hindi ko masyadong sineryoso kasi alam ko na actor ako,” sagot ni Rhian. “But recently, I’ve been wanting to like even online I dedicate songs to people and I find it really effective way to express yourself and I’ve been really to music now and hindi na siya gaano ka-joke sa akin now, ha-ha-ha.”

Gusto ni Rhian ang lahat ng genre ng music.

“I don’t know, eh, kasi parang I like all, so parang I feel like baka pop, yes pop.”

Ano influence niya sa music?

“Hmmm, that’s interesting, I’ve been listening to a lot of hip-hop, so it’s a little herbs band (multi-cultural New Zealand Reggae group), I guess, and right now, I want to do something similar, she’s an indie artist called Banks (Jillian Rose, American singer mula sa Orange County, California) and she makes a lot of sad music pero nilalagyan niya ng magandang beat. So even if it’s sad music, it’s something groove to and I like that.”

Bukod kay Banks?

“Medyo popular, gusto ko ngayon ‘yung mga ginagawa ni Selena Gomez saka Kygo. Kygo naman is more of DJ.”

Marunong ding mag-rap si Rhian.

“I do pero most of the time parang ano, eh, pa-joke, pero probably now, I can start also doing it more seriously.

‘Yun nga, eh, pati ‘yung singing, lahat ng ginagawa ko ngayon, I’m taking it seriously, before ginagawa ko lang pa-joke. Kasi hindi naman ako ganu’n ka-confident.”

Puwede na niyang pagkakitaan ang sinasabi niyang ‘pa-joke lang’.

“Hindi lang kasi ako confident, pero kung sineryoso ko siya feeling ko pagtitripan ako ng mga totoong sumasayaw at totoong singer,” natawang katwiran ng aktres.

Samantala, walang entry ngayong MMFF 2017 si Rhian pero may gagawin siyang action film na sa Negros ang entire shooting.

“It’s a mix of some locals and some foreigners and it’s all martial artists, ako nga lang ‘yung hindi, eh, kasama rin si Epy Quizon and it is being directed by Vincent Soverano.

“I’m going to be training and were going to shoot by end of August, pero lahat sila, even the director, martial artist talaga and competing fighters ako lang ‘yung hindi. Dito ipalalabas and abroad,” kuwento ni Rhian.

Bakit sa Negros ang shooting?

“Because it’s a beautiful place and it’s an inspired story by the life story of a martial artist living in China.”

May show si Rhian bilang host ng Full Throttle kasama si Sam YG sa Fox Sports at Taste Buddies with Solenn Heussaff sa GMA-7.