Ni REGGEE BONOAN

SOLD OUT ang tickets sa ginanap na ASAP Live in Toronto na sa Ricoh Coliseum na may 7,779 seating capacity at dahil mahaba pa ang pila ay naglabas ng SRO (standing room only) tickets at sold out din.

Dinumog ang ASAP Live in Toronto ng mga kababayan natin sa Canada at pati sa Amerika na nag-long drive para mapanood dahil first time mangyari ito at halos lahat ng mga sikat na artista sa showbiz ay makikita nila nang live.

Kim copy copy

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kaya labis-labis ang pasasalamat ng buong ASAP family sa napakainit na pagtanggap sa kanila sa Canada.

Pero bago nangyari ang show ay nagkanya-kanyang pasyal muna ang lahat ng artista at singers at staff sa magagandang lugar ng Toronto. Napuntahan din nila ang famous tourist destination na Niagara Falls na nasa border ng Ontario at New York City, USA. Sabi nga, work with pleasure.

Tulad din ng Pilipinas ang klima ngayon sa Ontario, Canada, umuulan at umaaraw kaya sinamantala naman ito ni Kim Chiu, tumakbo siya sa napakagandang High Park sa Ontario bilang bahagi na rin ng training niya para sa sinasalihang mga marathon sa Pilipinas at eksena sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Feeling namin, naadik na itong si Kim sa katatakbo dahil kahit saanman magpunta ay takbo siya nang takbo.

(Sino ba humahabol sa ‘yo, Kimmy? Joke! --DMB)

Ipinost ng aktres ang mga kuha sa kanya habang tumatakbo siya sa 298 acres na High Park na pawang green ang kapaligiran na ang sarap-sarap sa paningin kaya kitang-kita na enjoy na enjoy ang Chinita Princess.

Ang sabi ng aktres sa kanya post sa Instagram, “Good morning!!! 16km run done, tried a crazy route yesterday morning!

Up ‘hells to the crazy nth level getting ready for a big 21k run!”

Sa sobrang excitement ay napabilis ang takbo ng dalaga. Ang ending, pinulikat siya na ipinost din niya.

“You don’t have to go fast; you just have to go. yesterday during my 16k run had a cramps on my left leg and a little click in my knees but was happy am able to finish my goal but I hope this is nothing serious,” sabi ni Kim.

Hmmm, hindi kasama ni Kim ang leading man niya sa Ikaw Lang Ang Iibigin na si Gerald Anderson sa pagtakbo sa napakagandang parke ng Toronto.

Baka sa ibang parte naman ng High Park tumatakbo si ‘Ge at iba ang kasama.