Ni: Reggee Bonoan
IN-ANNOUNCE sa grand launching ng TBA Studios at partnership nila with Globe Studios ang kanilang mga proyekto na naka-line-up ngayong 2017 at sa susunod na taon.
Una ang action-thriller na Smaller and Smaller Circles mula sa direksyon ni Raya Martin batay sa libro ni F.H. Batacan. Pawang mga premyadong aktor ang bida rito na sina Nonie Buencamino, Sid Lucero, TJ Trinidad, Bembol Roco at Christopher de Leon.
Ikalawa ang Wan-Tu-Tri na idinirihe ni Carlo Obispo, entry sa 2016 Cinemalaya Independent Film Festival, na pagbibidahan nina Barbara Miguel, Teri Malvar, Sue Prado at JC Santos.
Ikatlo ang Birdshot na mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula Agosto 16 sa lahat ng SM Cinema.
Ikaapat ang Women of The Weeping River na humakot sa halos ng awards sa katatapos na 40th Gawad Urian tulad ng Best Picture at Best Director para sa Mindanaoan filmmaker na si Sheron Dayoc.
Panglima ang The Mythology Class nina Arnold Arre at Direk Jerrold Tarog bagamat wala pa silang naiisip na artistang magbibida sa tinatawag nilang ‘ambitious project.’
At ang ikaanim ay ang Goyo na pangalawa sa trilogy na sinimulan ng blockbuster hit nilang Heneral Luna na si Direk Jerrold din ang direktor.
Supposedly, entry sana nila ito sa 2017 Metro Manila Film Festival, pero hindi aabot kaya sa 2018 na lang ito, bida si Paulo Avelino kasama sina Carlo Aquino, Aaron Villaflor, Gwen Zamora, Epy Quizon, Empress Schuck at maraming iba pa.
Napakaganda ng lahat ng ipinakitang trailers at teasers ng nabanggit na mga pelikula kaya sana’y mabigyan sila ng magagandang playdate at maraming sinehan. Ganitong klaseng mga pelikula ang nakapanghihinayang kung hindi mapapanood ng marami.
Ang TBA (Tuko Productions, Buchi Boy Entertainment at Alrtikulo Uno) ang nasa likod ng blockbuster film na Heneral Luna; award-winning at MMFF 2016 Best Picture na Sunday Beauty Queen, I’m Drunk, I Love You at ang kontrobersiyal na pelikulang Bliss ni Iza Calzado.
“We’re proud of what we’ve accomplished so far. They call us ‘game changers’, but really, it’s because the audience owned our vision. We want to make films that the Filipinos deserve. We want to produce movies that Filipinos will remember,” pahayag ni Mr. Rocha, isa sa tatlong main movers ng TBA Studios.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa TBA at sa kanilang projects, maaaring bisitahin ang www.tba.ph at TBAStudiosPh sa Facebook.
[gallery ids="257606,257605"]