ni Marivic Awitan

Nagkampeon ang koponan ng National University-A at ang Team Rocan sa women’s at men’s open division ng NBA 3X Philippines 2017 na inihatid ng AXA sa SM Mall of Asia Music Hall ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ng Lady Bulldogs-A na binubuo nina Trixie Antiquiera, Ria Joy Nabalan, Samantha Harada, at Rhena Itesi ang NU-B squad sa all-NU women’s final.

“Malaking challenge sa min na kalabanin yung mga teammates namin kasi pamilyar sila sa istilo at galaw namin, “ pahayag ni Antiquiera.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa men’s open division, dinaig naman ng Team Rocan nina Christian Chua, Mark Fernandez, Elmer Dela Cruz, at Philip Torres ang Team 459 Legaspi ng Letran.

Umabot sa kabuuang bilang na 178 mga koponan ang sumali sa torneo at naglaban -laban sa mga events na kinabibilangan din ng boys under-13, under-16, at under-18, girls under-18 kasama na ang, men’s at women’s open .

Nagwagi ang Escuela de Sophia sa boys under-18 habang ang Team Bulacan ang nanalo sa girls under-18 tournament. Nagkampeon naman ang De La Salle-Zobel 2 at Berkeley Aquanauts sa boys under-13 ay boys under-16 ayon sa pagkakasunod.

Ang event ay dinaluhan at napanood nina Steven Adams ng Oklahoma City Thunder at Cal State Northridge coach Reggie Theus kasama ang Laker Girls.