Ni: Rommel P. Tabbad

Binalaan kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga taga-Metro Manila at lima pang lalawigan sa posibilidad ng pagbabaha at landslides bunsod ng habagat na pinaiigting ng bagyong ‘Gorio’.

Bukod sa Metro Manila nalubog din sa baha sa ilang araw nang pag-uulan ang Ilocos, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions.

Idinahilan ng PAGASA ang pananatili ng lakas ng Gorio na tumatahak sa hilagang silangan ng Basco, Batanes, kung saan ito nag-landfall.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinailalim sa Signal No. 2 ang Batanes, habang Signal No. 1 naman sa Babuyan Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 kilometro sa hilaga-silangan ng Basco, na may maximum sustained winds na 145 kilometers per hour (kph) at bugsong 180 kph.

Tinatahak ng Gorio ang patungong Taiwan, at posibleng tuluyan nang lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Linggo.

Babala naman ng PAGASA, kahit pa lumabas na ng bansa ang Gorio ay mananatili pa rin ang pag-uulan dahil sa habagat hanggang bukas, Lunes.