Ni: Light A. Nolasco

STA. ROSA, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 37-anyos na pintor makaraang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Sta. Rosa Municipal Police at Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) nang salakayin sa bahay nito sa Sitio Tramo sa bayan ng Sta. Rosa, dahil sa pagkakasangkot umano sa droga.

Pinangunahan ni Senior Insp. Jimmy Mananguit ang pagpapatupad ng search warrant na humantong sa pag-aresto kay Neil Jasper Ecija y Rivera, 37, may-asawa, pintor, residente sa nasabing lugar, dakong 9:00 ng umaga nitong Lunes.

Sa bisa ng search warrant, nakumpiska sa bahay ni Ecija, isang drug surrenderer, ang pitong bukas na plastic sachet ng hinihinalang shabu, apat na bukas ding plastic sachet, at drug paraphernalia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog