Ni: Mary Ann Santiago

Simula sa Agosto, ipatutupad na ng Department of Transportation (DoTr) ang “One-Stop Collection System” sa Skyway at NAIA Expressway (NAIA-X).

Ito ay upang maiwasan na ang abala sa mga motorista na simula noong Hulyo 15 ay dalawang beses nagbabayad ng toll fee; P20 sa Skyway at P35 naman paglabas sa NAIA-X.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakipagpulong siya kay San Miguel Corporation (SMC) President at COO Ramon Ang at nagkasundo sila na simula sa Hulyo 26 ay ititigil muna, sa loob ng isang buwan, ang pangongolekta ng P20 toll fee sa Skyway, habang isinasaayos pa ng DoTr at ng mga toll operator ang One-Stop Collection System.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nabatid na ang karagdagang P35 ay kinukolekta ng Vertex, ang tollways arm ng SMC, upang bawiin ang halaga na ginastos sa paglalagay ng rampa, na nagkokonekta sa NAIA-X at sa Skyway.