Ni: Orly L. Barcala

Nawalan ng saysay ang pagbabagong buhay ng isang barangay tanod, na dati umanong tulak ng ilegal na droga, matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot si Aurelio Torres, 55, tanod sa Barangay Malanday, at nakatira sa Building 2, Block 2, Unit 106, Disiplina Village, Bgy. Bignay ng nasabing lungsod.

Sa panayam kay PO3 Laude V. Pillejera, ng Station Investigation Unit (SIU), naganap ang pamamaril sa Galas Street, Bgy. Bignay, bandang 8:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sakay sa motorsiklo (PF-6859) si Torres nang dikitan ng armadong lulan din sa motorsiklo, hindi naplakahan, at saka pinagbabaril.

Tumakas ang suspek patungong Bagumbong, Caloocan City.

“Dati raw tulak ‘yung victim, pero nagbago na at tumigil na sa pagbebenta ng ilegal na droga,” ayon kay PO3 Pillejera.

Aniya, kabilang din si Torres sa drug watch list ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police.