WASHINGTON (AFP) – Kasabay ng nakatakdang pagsisimula ng bagong season ng American football, natuklasan ng mga mananaliksik na sumusuri sa utak ng mga namayapang NFL players na 99 porsiyento sa kanila ang nagkaroon ng mga senyales ng degenerative disease – na pinaniniwalaang sanhi ng paulit-ulit na pagbangga ng ulo.

Natuklasan ng mga mananaliksik ang kapansin-pansin na katibayan ng chronic traumatic encephalopathy (CTE) sa 110 sa 111 donated brains ng mga manlalaro sa National Football League, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Martes sa Journal of the American Medical Association.

Ang CTE ay nagdudulot ng mga sintomas na kinabibilangan ng memory loss, vertigo, depression at dementia. Maaaring lumutang ang mga problema ilang taon pagkatapos magretiro ng alteta.

“These findings suggest that CTE may be related to prior participation in football and that a high level of play may be related to substantial disease burden,” saad ng mga may-akda.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa pahayag, na inilathala sa US media, sinabi ng liga na nagpapasalamat ito sa pag-aaral “for the value it adds in the ongoing quest for a better understanding of CTE.”