Ni: Bert De Guzman

Sinabi kahapon ni House Appropriations chairman at Davao City Representative Karlo Nograles na ipaprayoridad ng Kamara ang pagtalakay at pag-aapruba sa P3.767 trillion national budget para sa 2018.

Tinanggap ng Kamara ang kopya ng pambansang budget pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mas mataas ito ng 12.4 porsiyento kumpara sa national budget ngayong 2017.

Sa 37-pahinang mensahe hinggil sa budget, binigyang-diin ng Pangulo na kailangan ng bansa ang isang “activist budget” upang matupad ang adhikain ng mga mamamayan para sa “buhay na matatag, maginhawa at panatag.”
Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?