Ni Edwin Rollon

DALAWANG championship match at isang dosenang undercard, tampok ang laban ng nagbabalik URCC na si Fil-Am Mark Striegl kontra Andrew Benibe ang ilalarga ng Universal Reality Combat Championship: XXX sa Agosto 12 sa Araneta Coliseum.

URCC copy copy

Ipinahayag ni URCC founder at president Alvin Aguilar na mas kagigiliwan at kapananabikan ang inihandang fight card na pagbibidahan din ng three-on-three fight.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We are the longest MMA promotion in Asia and the leading group in Southeast Asia and we’re going back to Araneta Coliseum for a much bigger and full-packed action,” pahayag ni Aguilar sa isinagawang media launching kahapon sa Winford Hotel sa Manila.

“We also welcome the return of Mark (Striegl). He rejoined the URCC family and we are happy that one of our best fighter is coming back,” aniya.

Tangan ang 18 laban sa international arena, ang 27-anyos na si Striegl ay naging pamosong fighter din sa karibal na MMA promotion na nakabase sa Singapore.

Tampok na laban sa promosyon ang pagdepensa sa ikalawang pagkakataon ni URCC two-division champion Chris Hofmann (middleweight) ng DEFTAC kontra kay Robert Sothmann ng Dragon Warrior MMA’s.

Sa co-main event, itataya ni URCC flyweight world champion Derrick Easterling ang korona kontra No.1 contender Jiar ‘The Twister’ Castillo ng Hitman MMA’s.

“Expect full throttle action from the best fighters in the country. This is our game, Bakbakan Na,” pahayag ni Aguilar.